Cotabato City — Inaasahan na umano ang naging desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Bangsamoro Parliamentary Redistricting Act o BAA 77, ayon kay Former COMELEC Chair Atty. Sheriff Abas.
Ani Abas, malinaw na ang nasabing batas ay may problema sa gerrymandering, kung saan ilang distrito ay hindi magkadikit o hindi contiguous, na taliwas sa pamantayan ng Konstitusyon.
“Alam naman natin na yung BAA 77, meron talaga siyang problema, lalong-lalo na doon sa gerrymandering… So talagang expected natin na ma-declare siya as unconstitutional,” ani Abas.
Dagdag pa niya, bukod sa isyu ng gerrymandering, problema rin ang timing ng pagpasa ng batas dahil naisabatas ito habang nasa gitna ng election period.
“Kapag pasok doon sa election period, sabi ng Supreme Court, unconstitutional pa rin. It’s a violation of the Voters Registration Act,” giit ni Abas.
Dahil dito, kumpiyansa si Abas na malinaw ang naging basehan ng Korte Suprema sa pagdedeklara ng ilang probisyon ng BAA 77 bilang unconstitutional.








Views Today : 23
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 676
Views Last 30 days : 3550
Views This Month : 1835
Views This Year : 17697
Total views : 29832
Leave a Reply