Maguindanao del Sur — Isang makabuluhan at makasaysayang hakbang para sa pangmatagalang kapayapaan ang naitala matapos matagumpay na maisagawa ang rido settlement sa pagitan ng mga pamilya nina Kanao Mulao at Kasim Katil sa tanggapan ni Governor Datu Ali Midtimbang.

Sa loob ng mahigit labing-isang (11) taon, naging mitsa ng takot, hindi pagkakaunawaan, at pagkalugmok sa magkabilang panig ang matagal nang sigalot. Ngunit sa pamamagitan ng mahigpit na pamumuno, matiyagang dayalogo, at pagkakaisa ng mga lider at komunidad, natuldukan na ang alitang ito—isang tagumpay na hindi lamang para sa dalawang pamilya, kundi para sa buong lalawigan.

Bilang bahagi ng pormal na kasunduan, nagbigay ang panig ni Cmdr. Malao ng ₱400,000 blood money bilang pagkilala, pagrespeto, at pagdamay sa apat (4) na kasapi ng pamilya Mulao na nasawi sa matagal na alitan. Ang hakbang na ito ay simbolo ng sinseridad at tunay na hangarin na maisaayos ang relasyon ng magkabilang panig.

Ipinunto ni Governor Midtimbang na ang nasabing kasunduan ay matibay na patunay na ang kapayapaan ay hindi imposible kapag may bukas na puso, malinaw na layunin, at matatag na suporta mula sa lokal na pamahalaan. Dagdag pa niya, ang pagtatapos ng rido ay nagbibigay-daan para sa mas ligtas, mas nagkakaisa, at mas matatag na komunidad sa Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

002841
Views Today : 73
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 780
Views Last 30 days : 3305
Views This Month : 2186
Views This Year : 4321
Total views : 4322