UNITED BALIK ISLAM FEDERATION IN THE BANGSAMORO, OPISYAL NANG BINUKSAN; KAUNA-UNAHANG PAGKAKAISANG BALIK ISLAM SA BARMM, NAGING MAKASAYSAYAN

Isang monumental na yugto ang narating ng Bangsamoro matapos ganapin ang Grand Launching ng United Balik Islam Federation in the Bangsamoro (UBFedB) noong Nobyembre 15, 2025. Dinaluhan ito ng prominenteng mga ulama, da’iyah, at mga opisyal ng BARMM, na sama-samang nagpatunay sa kahalagahan ng pagkakaisa ng sektor ng Balik Islam.

Sa unang pagkakataon, isang pormal na pederasyon ang naitatag upang maging boses, gabay, at sentro ng pagkilos ng mga Balik Islam. Tinalakay ng mga panauhin ang mahahalagang usapin tulad ng suporta sa Islamic education, ang pagpapalaganap ng tamang kaalaman sa Islam, at ang pagpapatatag ng ugnayan ng mga Muslim sa rehiyon.

Ang grand launching ay kasunod ng matagumpay na Balik Islam Assembly noong Setyembre, kung saan higit 700 delegado ang nagtipon. Sa patuloy na pag-unlad ng UBFedB, inaasahang mas marami pang programa at adbokasiyang tutulong sa komunidad sa mga susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

002841
Views Today : 73
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 780
Views Last 30 days : 3305
Views This Month : 2186
Views This Year : 4321
Total views : 4322