Naglabas ng matinding pagkondena ang League of Bangsamoro Organizations, Inc. (LBO) laban sa brutal na pagpatay ng pitong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa Barangay Malinan, Kidapawan City. Ayon sa LBO, ang karumal-dumal na insidenteng ito—na diumano’y may kinalaman sa hidwaan sa lupa—ay hindi magdudulot ng resolusyon kundi lalo lamang magpapalala sa karahasan, kalungkutan, at pagkakawatak-watak ng mga komunidad.
“Violence will never bring peace. Only justice and reconciliation can move our communities forward,” ani Hashim B. Manticayan, Pangulo ng LBO. Nanawagan ang samahan sa gobyerno, Kongreso, at mga lider ng MILF at MNLF na agarang kumilos upang matugunan ang ugat ng hidwaan at ipatupad ang katarungan para sa mga nasawi.
Ayon sa LBO, tanging katarungan, patas na proseso, at taos-pusong reconciliatory efforts ang makakapagpatatag ng tunay na kapayapaan sa Bangsamoro at karatig-lugar. Kasabay nito, nanindigan ang samahan sa buong suporta sa mga pamilyang naiwan sa trahedya at sa mas malawak na komunidad ng Bangsamoro.








Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126
Leave a Reply