Tiniyak ng Office of the Solicitor General na rerepasuhin nila ang desisyon ng Supreme Court na nag-uutos na ibalik sa PhilHealth ang ₱60 bilyong nailipat sa national treasury noong 2024.
Ayon sa PCO, posibleng magsumite ng motion for reconsideration depende sa magiging pagsusuri ng OSG. Nilinaw rin nito na ang Executive Department ay sumunod lamang sa GAA 2024 na ipinasa ng Kongreso—na ngayon ay idineklarang unconstitutional ng SC.
Samantala, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na inaprubahan ng OGCC, GCG, COA, at PhilHealth Board ang transfer at hindi naapektuhan ang serbisyo ng PhilHealth. Giit niya, nagtulak pa ito sa pinakamalaking pagpapalawak ng benefit packages sa ilalim ng Universal Health Care at pagsulong ng Zero Balance Billing.
Nanindigan si Recto na iginagalang ng Malacañang ang desisyon ng Supreme Court.








Views Today : 51
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 707
Views Last 30 days : 3602
Views This Month : 2449
Views This Year : 18311
Total views : 30446
Leave a Reply