Matagumpay na naipirmi kahapon, Disyembre 7, 2025, ang kasunduan sa pagitan nina Anwari Gayanandang at Diya Mohammad Payatok ng 118th Base Command sa Mamasapano. Ginawa ang pinal na paglagda sa opisina ni Gov. Datu Ali M. Midtimbang matapos ang serye ng pag-uusap upang tuluyang wakasan ang kanilang matagal na rido.
Nagresulta na sa pagkamatay, pagkasira ng kabuhayan, at paglikas ng mga residente ang alitan ng dalawang pamilya, kaya’t malaking hakbang ang kanilang pagpayag na magkasundo. Sa tulong at liderato ni Gov. Midtimbang, naging posible ang mapayapang pagharap ng magkabilang panig at ang pagbabalik ng pag-asa sa komunidad.
Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ang kapayapaan at pagkakaisa upang maitaguyod ang mas ligtas at maunlad na Maguindanao del Sur.








Views Today : 59
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 591
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2175
Views This Year : 18037
Total views : 30172
Leave a Reply