Naghain si Zaoawi A. Buludan ng Petition for Indirect Contempt sa Korte Suprema laban sa ilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority Parliament dahil sa umano’y hindi pagsunod sa desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 6, 2025 hinggil sa redistricting ng parliamentary districts sa BARMM.
Ayon sa petisyon, malinaw ang direktiba ng Korte ngunit nabigo pa ring makapagpasa ang BTA ng isang balidong batas sa redistricting. Dahil dito, hiniling ng petitioner ang agarang aksyon ng Korte, kabilang ang pag-utos sa BTA na tuparin ang nasabing desisyon.
Itinuturing ang isyung ito bilang may malawak na implikasyon sa halalan, representasyon, at kredibilidad ng demokratikong institusyon sa Bangsamoro







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply