Personal na binisita ni Mayor Abdulmain “BABA” Abas ang Public Market ng Datu Odin Sinsuat upang tiyakin ang pagsunod ng mga tindero sa mga ordinansa ng bayan. Kabilang sa kanyang tinutukan ang pagbabawal sa paggamit ng red light sa paninda at ang ilegal na pagbebenta ng alak sa loob ng pamilihan.
Nagbigay ang alkalde ng pangalawang pagkakataon sa mga lumabag ngunit nagpaalala na magiging mahigpit ang pamahalaan laban sa mga paulit-ulit na paglabag upang maprotektahan ang kaligtasan ng mamamayan.







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply