Sa unang araw pa lamang ng 2026, agad na ipinakita ni Mayor Bruce Matabalao ang kanyang determinasyon sa reporma sa pamamagitan ng pagpupulong kasama ang lahat ng department heads ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato.
Layunin ng pulong na patatagin ang disiplina at pagbutihin ang kalidad ng serbisyo publiko. Kabilang sa mga hakbang ang pagpapasumite ng resignation letters ng mga coterminous employees upang masuri ang kanilang kahandaan sa pagbabago, at mas mahigpit na pagtingin sa performance ng mga COS employees.
Ayon sa alkalde, ang tunay na pagbabago sa lungsod ay magsisimula sa isang disiplinado, responsable, at mahusay na lokal na pamahalaan na nagsisilbing ehemplo sa mamamayan.







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply