Agarang tumugon ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa pangangailangan ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa bayan ng Ligawasan matapos ang insidente ng armadong tunggalian sa ilang sitio sa lugar.
Sa loob ng Pebrero 5–6, 2026, kabuuang 804 welfare goods ang ipinamahagi sa ilalim ng Emergency Relief Assistance (ERA) Program upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya. Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng family food packs, sleeping kits, at hygiene kits bilang pansamantalang suporta habang sila ay nananatili sa mga itinalagang ligtas na lugar.
Dagdag pa rito, 379 na trapal ang ipinamahagi upang magsilbing materyales sa pagpapatayo ng pansamantalang tirahan ng mga lumikas na pamilya mula sa Sitio Bungalos, Sitio Galila, Sitio Saging, Sitio Balibet, at Barangay Bulol—mga lugar na naapektuhan ng armadong sigalot.
Patuloy na mino-monitor ng MSSD ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga IDPs, at nananatiling nakaantabay para sa karagdagang interbensyon kung kinakailangan.








Views Today : 130
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 708
Views Last 30 days : 3657
Views This Month : 2375
Views This Year : 18237
Total views : 30372
Leave a Reply