𝐒𝐀𝐅𝐄𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓: 𝐃𝐑𝐎𝐍𝐄 𝐔𝐒𝐄 𝐒𝐀 𝐑𝐀𝐌𝐀𝐃𝐀𝐍 𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓 𝐌𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐏𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘

Nagpaalala ang organizers ng Barakah Nu Ramadan sa Maguindanao del Sur na mahigpit na ipatutupad ang seguridad at kaligtasan ng lahat ng kalahok at dadalo sa pagdiriwang.

Bilang bahagi ng seguridad, registered drones lamang ang papayagang mag-operate sa venue. Ang sinumang may planong gumamit ng drone para sa coverage ay kinakailangang makipag-ugnayan nang maaga sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Para sa registration at koordinasyon, maaaring makipag-ugnayan kay Joselito Cruz sa numerong 0935-680-2311.

Babala ng organizers, ang hindi rehistradong drone ay maaaring hindi payagang makapasok o makapag-operate sa event area.

Layunin ng patakarang ito na matiyak ang maayos, ligtas, at masayang pagdiriwang ng Ramadan para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020794
Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346