𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑 𝐊𝐈𝐍𝐈𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐀𝐃𝐀𝐂 𝐏𝐄𝐑𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐄𝐄

Muling pinatunayan ng Lalawigan ng Maguindanao del Sur ang matatag nitong paninindigan laban sa ilegal na droga matapos kilalanin bilang Awardee sa 2026 Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Audit.

Ang pagkilalang ito ay bunga ng masinsinang pagpapatupad ng mga programa na nakatuon sa sustainability ng ADACs, inobasyon sa anti-drug strategies, epektibong reintegration programs, at tuloy-tuloy na after-care monitoring para sa mga indibidwal na sumailalim sa intervention.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang tagumpay na ito ay hindi lamang parangal kundi malinaw na patunay ng kolektibong pagkilos ng lokal na pamahalaan, law enforcement agencies, at komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

Sa pamamagitan ng koordinadong aksyon at komprehensibong programa, patuloy na itinataguyod ng Maguindanao del Sur ang isang lalawigang ligtas, malusog, at progresibo—isang modelong maituturing na huwaran sa laban kontra ilegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025127
Views Today : 162
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 807
Views Last 30 days : 3680
Views This Month : 1642
Views This Year : 24221
Total views : 36356