π‚πŽπ“π€ππ€π“πŽ π‚πˆπ“π˜, πŽππˆπ’π˜π€π‹ 𝐍𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐋𝐔𝐍𝐒𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐃𝐑𝐔𝐆-𝐅𝐑𝐄𝐄 π–πŽπ‘πŠππ‹π€π‚π„ ππŽπ‹πˆπ‚π˜

Isinagawa ngayong Marso 2, 2026 ang unveiling at attestation ceremony ng Drug-Free Workplace Policy ng Pamahalaang Lungsod sa People’s Palace Lobby, isang makasaysayang hakbang sa pagsusulong ng malinis at ligtas na kapaligiran sa trabaho.

Dinaluhan ang seremonya ng mga matataas na opisyal mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng lungsod, at mga city officialsβ€”patunay ng matibay na ugnayan at koordinasyon sa laban kontra ilegal na droga.

Layunin ng Drug-Free Workplace Policy na tiyakin ang isang ligtas, malusog, at produktibong working environment para sa lahat ng empleyado ng pamahalaang lungsod. Sa pamamagitan ng polisiya, mas paiigtingin ang preventive measures, awareness campaigns, at koordinasyon sa law enforcement agencies upang mapanatiling drug-free ang mga opisina ng lungsod.

Binigyang-diin sa programa na ang tagumpay laban sa ilegal na droga ay nakasalalay sa kolektibong pagkilos ng pamahalaan at komunidad. Ang inisyatibong ito ay malinaw na patunay ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato sa pagtataguyod ng isang disiplinado, responsable, at ligtas na lipunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

025104
Views Today : 111
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 756
Views Last 30 days : 3629
Views This Month : 1591
Views This Year : 24170
Total views : 36305