Patuloy na umaabot sa iba’t ibang komunidad ang programang Barakah nu Ramadhan Hadiya Distribution ng pamahalaang panlalawigan sa Pandag, Maguindanao del Sur, kung saan daan-daang residente ang nakatanggap ng food packs bilang suporta ngayong banal na buwan ng Ramadan.
Sa isinagawang pamamahagi, personal na naghatid ang mga kinatawan ng pamahalaan ng mga pangunahing pagkain upang makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang nag-aayuno.
Ayon sa mga organizer, layunin ng Barakah nu Ramadhan na maipakita ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagbabahagi ng biyaya sa komunidad sa panahon ng Ramadan. Lubos din ang pasasalamat ng team sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Pandag sa isinagawang aktibidad.
Ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur na maghatid ng tulong at serbisyo sa mga komunidad, lalo na sa panahon ng banal na buwan kung kailan higit na kinakailangan ang pagkalinga at suporta sa mga mamamayan.







Views Today : 125
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 657
Views Last 30 days : 3615
Views This Month : 2241
Views This Year : 18103
Total views : 30238
Leave a Reply