Humigit-kumulang 170 pamilyang Muslim sa Paglat, Maguindanao del Sur ang nakinabang sa isinagawang Mobile Free Market ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) katuwang ang Office of the Vice Governor ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Hisham S. Nando.
Isinagawa ang aktibidad sa Barangay Tual, kung saan tumanggap ang mga benepisyaryo ng libreng market goods na kinabibilangan ng mga pangunahing pagkain upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Layunin ng Mobile Free Market na direktang maihatid ang tulong sa mga komunidad, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan ng suporta sa lalawigan.
Ayon sa mga organizer, ang naturang programa ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng UBJP at ng tanggapan ng Bise Gobernador upang palapit ang serbisyo sa mamamayan at matiyak na ang tulong ay nakararating sa mga komunidad na nangangailangan nito.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na pinatitibay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at serbisyo publiko sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao del Sur.






Views Today : 129
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 661
Views Last 30 days : 3619
Views This Month : 2245
Views This Year : 18107
Total views : 30242
Leave a Reply