Dumalo si Abdulraof A. Macacua, Interim Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa ginanap na Grand Iftar sa MalacaΓ±ang Palace kasama si Ferdinand R. Marcos Jr. at mga kinatawan ng diplomatic corps, mga opisyal ng Bangsamoro, miyembro ng Bangsamoro Parliament, gayundin ang mga gobernador at alkalde mula sa ibaβt ibang bahagi ng rehiyon.
Ang pagtitipon ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang palalimin ang ugnayan sa pagitan ng pambansang pamahalaan, ng Bangsamoro leadership, at ng international diplomatic community. Bukod sa sama-samang pag-iftar bilang bahagi ng paggunita sa banal na buwan ng Ramadhan, naging daan din ang pulong upang palakasin ang koordinasyon at pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran para sa Bangsamoro.








Views Today : 61
Views Yesterday : 71
Views Last 7 days : 811
Views Last 30 days : 3414
Views This Month : 1162
Views This Year : 23741
Total views : 35876
Leave a Reply