Nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ng isang earthquake drill sa Provincial Capitol of Maguindanao del Sur sa Buluan, Maguindanao del Sur bandang alas-9 ng umaga bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP). Layunin ng drill na mapalakas ang kaalaman at kahandaan ng mga empleyado ng pamahalaan sa tamang pagtugon sa oras ng lindol o iba pang emerhensiya.
Ayon kay Tim Ambolodto, Assistant Head ng PDRRMO, mahalaga ang regular na pagsasagawa ng ganitong simulation upang matiyak na alam ng mga kawani ang wastong hakbang sa panahon ng aktuwal na sakuna. Aniya, ang unang layunin ng drill ay palakasin ang kamalayan, habang ang ikalawa ay paghahanda, upang maging handa ang mga empleyado sa anumang posibleng emergency.
Sa isinagawang simulation, sinunod ng mga kalahok ang standard safety procedure na “Drop, Cover, and Hold” bago maayos na lumikas patungo sa ligtas na bahagi ng Capitol grounds. Ang aktibidad ay bahagi ng mas malawak na programa ng lalawigan na nagsasagawa ng apat na earthquake drills bawat taon upang patuloy na mapahusay ang disaster preparedness ng mga kawani ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, pinagtitibay ng pamahalaang panlalawigan ang layuning makabuo ng mas handa, ligtas, at matatag na komunidad laban sa iba’t ibang sakuna tulad ng lindol, sunog, at pagbaha.








Views Today : 51
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 707
Views Last 30 days : 3602
Views This Month : 2449
Views This Year : 18311
Total views : 30446
Leave a Reply