𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝟏,𝟎𝟎𝟎 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓𝐄 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐏𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐘𝐋𝐀𝐓𝐔𝐋 𝐐𝐀𝐃𝐑

Dumalo ang hindi bababa sa isang libong residente mula sa Maguindanao del Sur sa ginanap na programa sa Talayan kaugnay ng pagdiriwang ng Laylatul Qadr: A Night of Blessings, Mercy, and Forgiveness noong gabi ng Marso 16, 2026.

Tampok sa makabuluhang pagtitipon ang sama-samang Iftar, pagsasagawa ng Taraweeh prayers, Muhadara sessions, at Tahajud prayer—mga gawaing sumasalamin sa kabanalan ng Laylatul Qadr, ang gabi kung kailan unang ipinahayag ang Banal na Qur’an kay Prophet Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan).

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Ali Midtimbang ang kahalagahan ng programa sa pagpapatibay ng pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad, lalo na sa pamamagitan ng pagbigkas ng Qur’an at patnubay ng mga Ustadz.

Ipinakita rin sa programa ang diwa ng pagkakaisa at mabuting pamamahala, kung saan ang lahat ay nagtipon sa iisang lugar ng panalangin bilang simbolo ng sama-samang debosyon at pananalig.

Samantala, kinilala rin ang mga nagwagi sa isinagawang Qur’an Reading Competition na tumanggap ng tatlong bagong motorsiklo bilang gantimpala. Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga tagapag-organisa sa lahat ng kalahok na naging bahagi ng gabi ng panalangin at pagpapala na tunay na sumasalamin sa diwa ng banal na buwan ng Ramadan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020719
Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229