Naglabas ng public advisory ang Ministry of Finance, and Budget and Management (MFBM) upang ipaalam sa publiko na walang empleyado ang kanilang tanggapan na nagngangalang Sittie Layka A. Aragasi at wala itong anumang ugnayan sa ministeryo.
Ayon sa MFBM, nakatanggap sila ng ulat na may isang indibidwal na umano’y nagpapakilalang konektado sa ahensya at ginagamit ito upang makahingi o makakuha ng personal na pautang o tulong pinansyal mula sa publiko.
Binigyang-diin ng ministeryo na hindi awtorisado ang naturang gawain at mahigpit nilang pinapaalalahanan ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga ganitong uri ng panlilinlang.
Pinayuhan din ang publiko na tiyaking beripikado ang anumang komunikasyon o transaksyon na sinasabing may kaugnayan sa MFBM sa pamamagitan ng kanilang opisyal na contact channels bago makipag-ugnayan o magbigay ng anumang pinansyal na tulong.
Hinikayat ng MFBM ang sinumang makakaranas o makakasaksi ng kahalintulad na insidente na agad itong iulat sa kanilang tanggapan sa numerong (064) 557-2717 o sa email na [mfbm@bangsamoro.gov.ph]
Nanawagan ang ministeryo sa kooperasyon ng publiko upang maiwasan ang panloloko at maprotektahan ang komunidad laban sa mga mapanlinlang na gawain.








Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229
Leave a Reply