Nagsama-sama ang Municipal Action Committee (MAC) ng Ligawasan ngayong araw, March 23, 2026, upang talakayin ang pagpapaigting ng mga programang panlipunan at serbisyong pang-komunidad sa bayan.
Sa pagtitipon na ginanap sa Municipal Sub-Office sa Brgy. Bulol ng nasabing bayan, tinalakay ng mga miyembro ang ilang mahahalagang usapin kabilang ang pag-apruba ng isang Executive Order na may kinalaman sa lokal na pamahalaan, ang pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at mga ulat mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng LGU at DSWD partners upang matiyak ang mas mabilis at epektibong serbisyo sa mga residente ng Ligawasan. Dagdag pa rito, minonitor din ng komite ang mga kasalukuyang programa upang masiguro na naaabot ang tunay na pangangailangan ng komunidad.
Ang ganitong pagtitipon ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng LGU Ligawasan na palakasin ang implementasyon ng social welfare programs at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.







Views Today : 111
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 643
Views Last 30 days : 3601
Views This Month : 2227
Views This Year : 18089
Total views : 30224
Leave a Reply