Nagsagawa ng Ramadan Hadiya Program ang Office of the Provincial Administrator ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Datu Nur-Ali U. Midtimbang noong Marso 18, 2026 bilang bahagi ng paggunita sa banal na buwan ng Ramadan.
Sa ilalim ng temang “Barakah Nu Ramadan sa Maguindanao del Sur,” isinagawa ang libreng iftar at gift-giving activity sa Madrasah Usrah sa Barangay Tual, Paglat, katuwang ang lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Raisa P. Langkuno.
Layunin ng programa na magbigay suporta sa komunidad, partikular sa mga mag-aaral, at isulong ang mga pagpapahalagang Islamiko tulad ng kawanggawa, kapayapaan, at pagkakaisa.
Dumalo rin sa programa ang iba’t ibang opisyal kabilang sina Vice Mayor Sagandingan Gumonsang, Municipal Councilor Jayhan Langkuno Anzures, Municipal Administrator Jeddalyn C. Langkuno, LTC Raul P. Escat ng 2nd Mechanized Battalion, at PCPT Nelson B. Pedrico Jr., na sumasalamin sa matibay na ugnayan ng lokal at probinsyal na pamahalaan sa pagsusulong ng serbisyo publiko at kaunlaran.
Tumanggap ang mga benepisyaryo ng grocery items, sako ng bigas, at school supplies bilang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Midtimbang ang kabataan na isabuhay ang kapayapaan, pagkakaisa, at pananampalataya, at magtulungan sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan na may paggalang sa kapwa, anuman ang relihiyon.
Nagtapos ang programa sa isang makabuluhang iftar na lalong nagpatibay sa diwa ng pagkakaisa at pasasalamat sa komunidad.








Views Today : 111
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 643
Views Last 30 days : 3601
Views This Month : 2227
Views This Year : 18089
Total views : 30224
Leave a Reply