Matagumpay na isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa solar street lights project sa Datu Odin Sinsuat sa pangunguna ni Abdulmain “BABA” Abas, kasama si Vice Mayor Bobsteel Sinsuat at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Kabilang sa mga dumalo sina Konsehal Datu Uga Sinsuat at Ted Moinggit, gayundin ang mga Punong Barangay ng Kurintem at Sifaran, na direktang makikinabang sa nasabing proyekto.
Layunin ng inisyatibong ito na magbigay-liwanag sa mga kalsada sa kabuuang 34 barangay ng munisipyo, bilang bahagi ng adbokasiya para sa mas ligtas at maayos na komunidad.
Sa kasalukuyan, isinasagawa na ang konstruksyon at instalasyon ng 60 solar street lights sa Barangay Kurintem at 60 naman sa Barangay Sifaran, na may kabuuang 120 units na inaasahang magpapalakas sa seguridad at kaginhawaan ng mga residente.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang proyekto ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas maliwanag, ligtas, at maunlad na Datu Odin Sinsuat.







Views Today : 86
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3576
Views This Month : 2202
Views This Year : 18064
Total views : 30199
Leave a Reply