𝐊𝐀𝐌𝐏𝐀𝐍𝐘𝐀 𝐋𝐀𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐂𝐇𝐈𝐋𝐃 𝐋𝐀𝐁𝐎𝐑, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐈𝐆𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐆𝐀𝐖𝐀𝐒𝐀𝐍

Mas pinaigting ang kampanya laban sa child labor at ang pagsusulong ng karapatan ng mga bata sa isinagawang orientation ng Ministry of Labor and Employment – Bureau of Employment Promotion and Welfare (BEPW) sa Ligawasan, bilang bahagi ng temang #BatangMalaya.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan ng komunidad at hikayatin ang sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang mga bata laban sa mapanganib at mapagsamantalang paggawa.
Sa mensaheng ipinaabot ni Ligawasan Mayor Ismael “Boy Hashim” S. Mama sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Datutie A. Labas Jr., binigyang-diin ang mahalagang papel ng pamahalaan, mga institusyon, at komunidad sa pagtiyak ng ligtas at maayos na kinabukasan para sa mga bata.

Ipinaliwanag naman ni Ms. Sara Jane S. Sinsuat, Director I ng BEPW ang mahahalagang konsepto hinggil sa child labor, kabilang ang pagkakaiba ng child work at child labor, gayundin ang sitwasyon nito lalo na sa sektor ng agrikultura. Samantala, tinalakay ni Johainah B. Ebrahim, LEO II – BEPW-EPMDD, ang pananaw ng Islam ukol sa pangangalaga sa mga bata, na nagbibigay-diin sa kanilang dignidad at karapatan.

Nagbahagi rin si Moctar S. Macalipat, Head/SLEO ng SGA MOLE Field Office,ng datos ukol sa kalagayan ng child labor sa pandaigdig, pambansa, at antas ng BARMM, na lalong nagbigay-linaw sa lawak ng isyu at pangangailangan ng agarang aksyon.

Hindi lamang sa talakayan nagtapos ang aktibidad, kundi isinabuhay din ito ng mga kalahok sa pamamagitan ng poster-making activity na nagpapakita ng kanilang paninindigan laban sa child labor at suporta sa karapatan ng bawat batang Bangsamoro.

Ayon sa mga organizers, ang ganitong inisyatiba ay bahagi ng mas malawak na layunin na hindi lamang magmulat ng kamalayan, kundi magbunsod ng konkretong aksyon mula sa komunidad upang tuluyang wakasan ang child labor at mapangalagaan ang kinabukasan ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020416
Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831