𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒 πŽπ… π“πŽπŒπŽπ‘π‘πŽπ–β€”πŸπŸ•πŸŽ πŠπ€ππ€π“π€π€π, π’π”πŒπ€πˆπ‹π€π‹πˆπŒ 𝐒𝐀 π‹π„π€πƒπ„π‘π’π‡πˆπ π“π‘π€πˆππˆππ† 𝐒𝐀 π‚π€πŒπ 𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍

Pinangunahan ng Bangsamoro Youth Commission sa pamamagitan ng BYC–Maguindanao with Cotabato City and Special Geographic Area ang pagsasagawa ng Youth and Leadership Training noong Abril 19, 2026 sa Camp Suran.

Ang isang araw na pagsasanay ay bahagi ng mas malawak na Bangsamoro Camp Suran Youth Camp 2026 na may temang β€œYouth for Peace, Environment, Sports and Development,” na naglalayong palakasin ang pagkakaisa ng kabataan mula sa iba’t ibang pinagmulan, palawakin ang kanilang partisipasyon, at hubugin ang susunod na henerasyon ng mga lider na nakatuon sa kapayapaan at sustenableng kaunlaran.

Dumalo sa aktibidad ang kabuuang 170 kabataan, kabilang ang mga youth leaders, mag-aaral, at community volunteers mula sa Camp Suran at mga karatig-barangay. Lumahok sila sa iba’t ibang learning sessions at interactive activities na nakatuon sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman at papel sa pagsusulong ng isang mapayapa at progresibong Bangsamoro.

Ipinapakita ng inisyatibang ito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kapasidad ng kabataan bilang mahalagang katuwang sa nation-building at community development.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

024505
Views Today : 258
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3729
Views This Month : 716
Views This Year : 23295
Total views : 35430