Pinalakas ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education ang kapasidad ng serbisyo nito matapos tumanggap ng mga bagong service vehicles na pinondohan sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) ng mga Members of Parliament.
Isinagawa ang ceremonial turnover noong Abril 30 sa MBHTE RELC Building sa pangunguna nina Mohagher M. Iqbal, Raissa H. Jajurie, at dating MP Marjanie Macasalong.
Ang mga sasakyan ay agad na itinurn-over sa mga pangunahing tanggapan upang palakasin ang mobility at frontline service delivery. Kabilang sa mga benepisyaryo ang Nusa Elementary School sa Lanao del Sur, ang Provincial Office sa Maguindanao, at ang TESD–Cotabato City District Office.
Ayon kay Iqbal, ang hakbang na ito ay direktang tugon sa pangangailangan ng mas mabilis at episyenteng serbisyo, lalo na sa mga geographically isolated at underserved communities. Binigyang-diin din niya ang matibay na paninindigan ng MBHTE sa transparency, accountability, at resulta-oriented na implementasyon ng mga programa.








Views Today : 38
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 988
Views Last 30 days : 3708
Views This Month : 791
Views This Year : 23370
Total views : 35505
Leave a Reply