Former COMELEC Chairman Atty. Sheriff Abas
Inihayag ni Atty. Sheriff Abas ang kanyang paniniwala na dapat ma-dismiss ang mga petisyon laban sa United Bangsamoro Justice Party, batay sa kakulangan umano ng matibay na ebidensya at kahinaan ng mga alegasyon.
Ayon kay Abas, matapos niyang suriin ang mga oposisyon, nakita niyang “mahina” ang mga paratang at ang ilan ay tila inihain lamang upang magdulot ng delay sa proseso. Binigyang-diin din niya na matagal nang rehistrado ang UBJP, mula pa noong 2015 o 2016, at may matibay nang pundasyon bilang isang political party.
“Walang matibay na ebidensya, mababaw ang alegasyon, at matagal nang existing ang UBJP—kaya inaasahan kong madi-dismiss ang oposisyon.”
Dagdag pa niya, mahalagang tandaan na ang UBJP ay bahagi ng Bangsamoro peace process, kaya’t ang pagkilala rito bilang lehitimong partido ay may mas malalim na implikasyon hindi lamang sa eleksyon kundi pati sa political transition sa rehiyon.






Views Today : 36
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 986
Views Last 30 days : 3706
Views This Month : 789
Views This Year : 23368
Total views : 35503
Leave a Reply