Pormal nang inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Provincial Unification, Social Cohesion, and Humanitarian Response for Peace o P.U.S.H. for Peace (Balik Pamayanan) sa Barangay Kabuling, Pandag noong Hunyo 4, 2026.
Pinangunahan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando ang programa sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr ., bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na isulong ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran sa mga komunidad na naapektuhan ng kaguluhan at iba pang hamon.
Nakiisa rin sa paglulunsad ang iba’t ibang opisyal at kinatawan mula sa pamahalaan at security sector, kabilang sina Executive Assistant Datu Jomar U. Midtimbang, AFP Brigadier General Omar V. Orozco, PCOL Michael John Mangahis bilang kinatawan ng Provincial Police Office, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan na sina Bai Faujiah B. Mangelen at Rahib Nando, gayundin si Pandag Mayor Mohajeran Balayman.
Layunin ng P.U.S.H. for Peace na mapalakas ang social cohesion o pagkakaisa ng mamamayan, mapalawak ang humanitarian response, at makapaglatag ng mga programang magpapabilis sa pagbangon at pag-unlad ng mga komunidad.
Ayon sa mga opisyal, ang Balik Pamayanan ay hindi lamang isang programa ng tulong kundi isang komprehensibong inisyatiba na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang sama-samang itaguyod ang pangmatagalang kapayapaan at katatagan sa Maguindanao del Sur.
Sa pamamagitan ng mas malawak na koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan, mga security forces, line agencies, at mga stakeholder, inaasahang mas mapapalakas ang mga programang nakatuon sa kapakanan at pag-unlad ng mga komunidad sa lalawigan.








Views Today : 9
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 1039
Views Last 30 days : 3775
Views This Month : 762
Views This Year : 23341
Total views : 35476
Leave a Reply