𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐃𝐄𝐑𝐁𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐔𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐊𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

KAPALAWAN, MAGUINDANAO DEL SUR – Nakatanggap ng buwanang pinansyal na tulong ang 110 solo parents sa bayan ng Kapalawan sa ilalim ng DAKILA Bangsamoro Program ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong Hunyo 13, 2026.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng ₱1,000 buwanang grant na layuning makatulong sa kanilang pang-araw-araw na gastusin at masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Kasabay ng pamamahagi ng ayuda, nagsagawa rin ang MSSD ng Family Development Session (FDS) kung saan tinalakay ang mahahalagang impormasyon tungkol sa DAKILA Bangsamoro Program at mga probisyon ng Solo Parents’ Welfare Act.

Nagsilbi rin ang aktibidad bilang orientation para sa mga bagong benepisyaryo at refresher session para sa mga patuloy na tumatanggap ng programa. Layunin nitong palawakin ang kanilang kaalaman hinggil sa kanilang mga karapatan, responsibilidad, at iba pang serbisyong maaaring ma-access bilang mga solo parent.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong ng MSSD ang pagbibigay ng suporta at kapakanan sa mga solo parent, habang pinapalakas ang kanilang kakayahang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya at mapabuti ang kanilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

025340
Views Today : 45
Views Yesterday : 113
Views Last 7 days : 902
Views Last 30 days : 3653
Views This Month : 1932
Views This Year : 24511
Total views : 36646