LANAO DEL SUR – Nagsagawa ng mahalagang pagpupulong ang MILF-Ranaw Executive Council (MILF-REC) at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Lanao del Sur Chapter noong Hunyo 17 bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kandidato ng UBJP mula sa iba’t ibang distrito ng Lanao del Sur, mga kinatawan ng sectoral groups, at ilan sa mga nominado ng partido upang talakayin ang mga plano at direksyon ng partido para sa darating na halalan.
Kabilang sa mga dumalo si Mohagher Iqbal, dating Minister ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) at kasalukuyang UBJP Vice President for Central Mindanao, na nagbahagi ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng pagkakaisa, organisasyon, at kahandaan ng partido sa nalalapit na electoral exercise.
Idinaos ang pagpupulong sa bayan ng Bacolod-Kalawi, Lanao del Sur, kung saan mainit na tinanggap ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Abdulmohaimen L. Dipatuan ang mga kalahok.
Ayon sa mga organizer, mahalagang hakbang ang naturang pagpupulong upang higit pang mapalakas ang koordinasyon ng mga lider, kandidato, at tagasuporta ng UBJP sa lalawigan habang papalapit ang unang parliamentary elections sa Bangsamoro Region.
Binigyang-diin din sa pagtitipon ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa upang maisulong ang mga layunin ng partido at patuloy na mapangalagaan ang mga tagumpay ng Bangsamoro Peace Process.








Views Today : 90
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 870
Views Last 30 days : 3818
Views This Month : 3314
Views This Year : 29908
Total views : 42043
Leave a Reply