𝟐𝟎𝟑 𝐏𝐖𝐃𝐬 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐁𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐌𝐔𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐒𝐒𝐃

Special Geographic Area (SGA), BARMM – Kabuuang 203 Persons with Disabilities (PWDs) mula sa bayan ng Nabalawag ang tumanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Kalinga para sa may Kapansanan Program ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) noong Hunyo 25, 2026.

Bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng ₱500 buwanang subsidiya bilang tulong sa kanilang pangunahing pangangailangan, kabilang ang pagkain, gamot, at iba pang pang-araw-araw na gastusin.

Ayon sa MSSD, layunin ng programa na magbigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga persons with disabilities at makatulong sa pagpapagaan ng kanilang kalagayang pinansyal, habang isinusulong ang mas inklusibong serbisyo para sa sektor ng mga may kapansanan.

Patuloy namang pinaiigting ng MSSD ang pagpapatupad ng mga social protection programs upang matiyak na naaabot ng tulong ng pamahalaan ang mga sektor na higit na nangangailangan sa buong Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028704
Views Today : 107
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 869
Views Last 30 days : 3825
Views This Month : 3222
Views This Year : 29816
Total views : 41951