𝐀𝐋 𝐇𝐀𝐉 πŒπ”π‘π€πƒ, ππˆππ€π“πˆππ€π˜ 𝐀𝐍𝐆 π”π†ππ€π˜π€π 𝐒𝐀 π“Γœπ‘πŠπˆπ˜π„ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 π€π–π“πŽππŽπŒπˆπ˜π€ 𝐀𝐓 πŠπˆππ€ππ”πŠπ€π’π€π 𝐍𝐆 ππ€ππ†π’π€πŒπŽπ‘πŽ

aging makabuluhan ang opisyal na pagbisita ni United Bangsamoro Justice Party (UBJP) President Ahod β€œAl Haj Murad” Ebrahim sa Republika ng TΓΌrkiye, kung saan isinulong ang pagpapalakas ng ugnayan at suporta para sa patuloy na pag-unlad ng awtonomiya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa serye ng pakikipagpulong, nakaharap ng delegasyon ang ilang matataas na opisyal at pangunahing institusyon ng TΓΌrkiye, kabilang sina Grand National Assembly Speaker Numan Kurtulmuş, Foreign Affairs Minister Hakan Fidan, at TΔ°KA Deputy Minister Dr. Serdar Γ‡am.

Nakipag-ugnayan din ang delegasyon sa YediHilal, sa pangunguna ni General Chairman Samet PaΓ§acΔ±, IHH Humanitarian Relief Foundation, at iba pang civil society organizations na may mahalagang papel sa humanitarian assistance at international cooperation.

Naging pagkakataon ang pagbisita upang ipahayag ang pasasalamat sa patuloy na suporta ng TΓΌrkiye sa Bangsamoro at higit pang palawakin ang pakikipagtulungan para sa kapayapaan, kaunlaran, at pagpapatatag ng mga institusyon sa rehiyon.

Ayon kay UBJP President Al Haj Murad, ang suportang ipinakita ng TΓΌrkiye ay nagbibigay ng karagdagang lakas upang ipagpatuloy ang pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran, karapatan sa sariling pagpapasya, at Moral Governance sa Bangsamoro.

Binigyang-diin din niya na ang pagpapatatag ng mga ugnayang pandaigdig ay mahalagang bahagi ng patuloy na adhikain para sa isang mas matatag, mapayapa, at maunlad na Bangsamoro.

Ang pagbisita ay itinuturing na isa pang mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng ugnayan ng Bangsamoro sa mga international partners at sa pagpapatibay ng suporta para sa mga adhikaing bunga ng mahabang pakikibaka at prosesong pangkapayapaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

028680
Views Today : 70
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 832
Views Last 30 days : 3788
Views This Month : 3185
Views This Year : 29779
Total views : 41914