Libreng serbisyong medikal at food assistance ang inihatid sa mga residente ng Barangay Poblacion sa isinagawang Medical Mission at Pamamahagi ng Food Packs sa bayan ng Datu Paglas.
Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng libreng medical check-up, konsultasyon at mga gamot, kasabay ng pamamahagi ng food packs bilang karagdagang tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ang programa ay isinagawa sa pamamagitan ng inisyatiba at suporta nina Governor Datu Ali Midtimbang, Vice Governor Ustadz Hisham Nando, at Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Datu Paglas.
Nakiisa rin sa pagpapatupad ng aktibidad ang LGU sa pangunguna nina Mayor Datu Ibrahim “Jun Jun” Paglas IV at Vice Mayor Datu Abubakar “Toy” P. Paglas, kasama ang BPAT, barangay officials at staff sa pamumuno ni Barangay Chairman at ABC President Abubakar P. Paglas.








Views Today : 22
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 919
Views Last 30 days : 4484
Views This Month : 3137
Views This Year : 29731
Total views : 41866
Leave a Reply