Pormal nang sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota para sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections sa ginanap na kick-off ceremony nitong Huwebes sa National Printing Office.
Kasabay ng paglulunsad, nilagdaan ng COMELEC at National Printing Office ang isang Memorandum of Agreement, na hudyat ng opisyal na pagsisimula ng ballot production para sa kauna-unahang regular na parliamentary elections ng Bangsamoro.
Naging bahagi ng programa ang mga mensahe nina COMELEC Commissioner Rey E. Bulay, National Printing Office Director Nicole M. Bacolod, at COMELEC Chairman George Erwin M. Garcia, bago ang ceremonial signing ng kasunduan.
Isinagawa rin ang simbolikong pagsisimula ng ballot printing at ipinakita ang kauna-unahang naimprentang opisyal na balota para sa makasaysayang halalan.
Ang pagsisimula ng produksyon ng mga balota ay isa sa pinakamahalagang yugto ng paghahanda ng COMELEC upang matiyak ang maayos at napapanahong pagsasagawa ng unang regular na parliamentary elections sa BARMM.








Views Today : 8
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 905
Views Last 30 days : 4470
Views This Month : 3123
Views This Year : 29717
Total views : 41852
Leave a Reply