Binigyang-diin ni M!LF First Vice Chairman at United Bangsamoro Justice Party (UBJP) Vice President Mohagher Iqbal ang kahalagahan ng konsultasyon, pagkakaisa, at pananagutan sa pagpapatuloy ng adhikain ng Bangsamoro sa kanyang naging talumpati sa isang pagtitipon.
Ayon kay Iqbal, ang konsultasyon (shura) ay hindi lamang karaniwang pag-uusap kundi isang prinsipyong itinuro ng Allah upang maisulong ang pagkakaisa, sama-samang pagpapasya, at pananagutan sa loob ng samahan.
Sa kanyang mensahe, muling iginiit ni Iqbal ang kahalagahan ng pagsuporta sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Aniya, ito ang opisyal na political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), at mahalagang mapanatili ang pagkakaisa upang maipagpatuloy ang mga layunin at mga tagumpay na nakamit ng Bangsamoro sa mahabang panahon ng pakikibaka.
Nagpahayag din siya ng pag-aalala sa ilang indibidwal na, ayon sa kanya, ay unti-unti umanong lumalayo sa adhikain ng Bangsamoro movement, kabilang ang mga pananaw na nagsasabing wala na umanong jihad at ang pananatiling neutral ng ilang ulama sa usaping pampulitika.
Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, nilinaw ni Iqbal na hindi kaaway ng UBJP ang ibang political parties, ngunit iginiit niyang mahalagang igalang ang karapatan ng bawat mamamayan na malayang pumili at bumoto sa mga kandidatong nais nilang suportahan sa nalalapit na halalan.








Views Today : 79
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 852
Views Last 30 days : 4421
Views This Month : 2957
Views This Year : 29551
Total views : 41686
Leave a Reply