πŒπƒπ’ π‹πŽπ‚π€π‹ π’π‚π‡πŽπŽπ‹ ππŽπ€π‘πƒ, ππˆππ€π†π“πˆππ€π˜ 𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐒–𝐀𝐋-ππ€π‘πˆ π„πƒπ”π‚π€π“πˆπŽπ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Nagtipon ang mga pangunahing katuwang ng ALS–Al-QARI Education Program sa isinagawang 7th Local School Board (LSB) Meeting ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur noong Hulyo 21, 2026, sa Kapamagayun Hall, Provincial Capitol.

Dinaluhan ang pulong ng Division Alternative Learning System (ALS) Coordinator Alimudin Antoling, mga District ALS Coordinators (DALSCs), at mga kinatawan mula sa UNICEF at ChildFund, upang talakayin ang mga susunod na hakbang sa pagpapatupad ng programa.

Pinangunahan ang pagpupulong nina Engr. Nulfarid S. Ampatuan at Schools Division Superintendent Dr. Alma M. Abdula-Nor ng MBHTE Maguindanao del Sur. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mga update sa ALS–Al-QARI Education Program, mga hamon sa implementasyon, resulta ng 2025–2026 Accreditation and Equivalency (A&E) Examination, at pagkilala sa mga kwalipikadong mag-aaral ng Markadz-ALS.

Binigyang-diin ni Dr. Abdula-Nor ang kahalagahan ng ALS–Al-QARI sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na makamit ang parehong pormal at Islamikong edukasyon. Aniya, ang balanseng pagkatuto ay mahalagang pundasyon sa paghubog ng mga responsableng, produktibo, at may mabuting pagpapahalagang mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

028620
Views Today : 122
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 874
Views Last 30 days : 4439
Views This Month : 3092
Views This Year : 29686
Total views : 41821