Naglunsad ang Office of the Provincial Veterinarian (OPVET) ng Maguindanao del Sur ng Native Chicken Dispersal Program sa mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal noong Hulyo 22, 2026, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kabuhayan ng mga marginalized at vulnerable sectors sa lalawigan.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga persons with disabilities (PWDs), Indigenous Peoples (IPs), solo parents, at senior citizens na may limitadong pinagkukunan ng kita. Kabuuang 50 pamilya ang nakatanggap ng livelihood package, kung saan 25 benepisyaryo ang mula sa bawat bayan.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 10 native chickens—binubuo ng siyam na inahin at isang tandang—kasama ang 50 metrong poultry net para sa pagtatayo ng backyard poultry project.
Ayon sa Provincial Government, layunin ng programa na mapalakas ang seguridad sa pagkain, makalikha ng karagdagang kabuhayan, at hikayatin ang sustainable backyard poultry production bilang bahagi ng mas malawak na livelihood agenda ng administrasyon ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr.








Views Today : 58
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 838
Views Last 30 days : 3786
Views This Month : 3282
Views This Year : 29876
Total views : 42011
Leave a Reply