Inihayag ni UBJP Settlers Community Candidate Atty. Mary Ann Arnado sa ginanap na pagtitipon ng mga Ulama mula sa iba’t-ibang munisipalidad na ginanap sa Barangay Kurintem, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes, Agosto 14, 2026
Sa kanyang mensahe sinabi nito na ang kauna-unahang Parliament Election ay hindi dapat madiktahan ng pera o ano mang ayuda.
Ayon kay Arnado, mahalagang baguhin ang pananaw ng mga botante dahil ang parliamentary election ay naiiba sa nakasanayang halalan.
“Hindi pwede madiktahan ang first Parliament election. Dapat tayo ang nanguna na kailangan ma-change ang mindset ng mga tao. Hindi ito regular na election na bibigyan ka ng pera o kahit anong uri ng ayuda, dahil kung paiiralin ang pera, dihado ang partido,” pahayag ni Arnado.
Napansin din umano ni Arnado ang patuloy na pagdalo ng maraming mamamayan sa iba’t ibang programa ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na aniya ay nagpapakita ng interes ng mga komunidad sa nalalapit na halalan.
Hinikayat naman ni Arnado ang mga ulama na maging katuwang sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at voter education upang matulungan ang mga botante na makapili batay sa mga prinsipyo, plataporma at kakayahan ng mga kandidato.
Layunin din umano nito na maisulong ang isang mapayapa, malinis at makabuluhang unang Parliamentary Election sa Bangsamoro, kung saan ang desisyon ng mga botante ay hindi nakabatay sa pera o anumang materyal na kapalit.







Views Today : 53
Views Yesterday : 91
Views Last 7 days : 519
Views Last 30 days : 2219
Views This Month : 731
Views This Year : 34074
Total views : 46209
Leave a Reply