Malakas ang naging suporta para sa BTA Parliament Bill No. 407 sa nagdaang public consultation sa districting bills. Karamihan sa mga dumalo ay sang-ayon na gawing dalawang parliamentary districts ang Marawi City.
Pinaliwanag ni MP Said Shiek na ang panukala ay ginawa bilang tugon sa utos ng Supreme Court, kaya’t siniguro nilang ang redistricting ay tama sa batas at proseso.
Sa ilalim ng panukala, ire-reapportion ang pitong puwesto ng Sulu upang mapalakas ang representasyon sa iba pang probinsya. Mananatiling 32 districts ang kabuuan sa BARMM:
- Basilan – 4
- Lanao del Sur (with Marawi divided into 2) – 9
- Maguindanao del Norte – 5
- Maguindanao del Sur – 5
- Tawi-Tawi – 4
- Cotabato City – 3
- SGA – 2
Layunin ng Bill 407 na masiguro ang patas at mas epektibong representasyon sa rehiyon.








Views Today : 59
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 591
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2175
Views This Year : 18037
Total views : 30172
Leave a Reply