Nagpasa ng resolusyon ang Committee on Bangsamoro Justice System na humihiling sa BAGO na magsumite ng pleading sa Korte Suprema upang mapabilis ang pagresolba sa mga kaso na may kinalaman sa unang parliamentary elections ng BARMM.
Ayon kay Committee Chair Suharto Ambolodto, mahalagang maresolba agad ang mga legal na isyu para maging maayos ang paghahanda sa nakatakdang halalan sa Marso 30, 2026, lalo na’t magsisimula na ang COC filing sa Enero 5–9, 2026.
Naghain ang BAGO ng partial reconsideration noong Oktubre 21, 2025, ngunit hinihiling ng komite na madaliin pa ang pag-aksyon para matiyak ang isang maayos at malinaw na electoral process sa rehiyon.







Views Today : 78
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 610
Views Last 30 days : 3568
Views This Month : 2194
Views This Year : 18056
Total views : 30191
Leave a Reply