Umabot sa 1,124 decommissioned combatants ang nakatanggap ng Seed Capital Fund mula sa DSWD Field Office XII sa ilalim ng PDBBM program. Layunin nitong tulungan silang makapagsimula ng sariling kabuhayan at magkaroon ng mas maayos na pinagkakakitaan habang sila ay nagbabalik sa normal na pamumuhay.
Bukod dito, 581 estudyante na anak ng dating combatants ang tumanggap ng ₱25,000 Education Assistance upang masuportahan ang kanilang pag-aaral.
Ginawa ang payout sa Kabacan Gymnasium, na dinaluhan nina Mayor Guzman at mga kinatawan mula sa Cotabato Province, SGA, TFDCC, at iba pang partner agencies. Tiniyak ng mga social workers at case managers ng DSWD XII ang maayos at sistematikong distribusyon.
Ang aktibidad ay patunay ng matibay na pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya upang matulungan ang mga dating mandirigma na makapagsimula muli at makapagpatuloy sa mas mapayapang pamumuhay.







Views Today : 78
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 610
Views Last 30 days : 3568
Views This Month : 2194
Views This Year : 18056
Total views : 30191
Leave a Reply