Nagkaisa ang mga residente ng Datu Blah T. Sinsuat sa Maguindanao del Norte sa pagsuporta sa panukalang pagpapalit ng pangalan ng kanilang bayan bilang West Upi. Para sa kanila, mas kumakatawan ang pangalang ito sa kanilang kasaysayan at sa pagkakakilanlan ng komunidad.
Ang panukala ay nakapaloob sa Parliament Bill No. 328 na inakda ni Deputy Speaker Baintan Ampatuan. Ayon sa kanya, ang lugar ay dating bahagi ng Upi at matagal nang tinatawag ng mga residente na West Upi—isang pangalang nais ibalik upang mapanatili ang kasaysayan at kultura ng bayan.
Ayon kay Mayor Raida Tomawis-Sinsuat, makatutulong ang pagpapalit ng pangalan upang mas madaling makilala ang kanilang bayan. Sinabi rin ng mga guro at barangay leaders na ang panukala ay nagpapalakas ng pagkakaisa ng Muslim, Kristiyano, at Katutubong pamayanan.
Para sa Bangsamoro Parliament, ang hakbang na ito ay mahalaga sa pagpapatibay ng lokal na identidad at inklusibong kaunlaran ng komunidad.








Views Today : 91
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 623
Views Last 30 days : 3581
Views This Month : 2207
Views This Year : 18069
Total views : 30204
Leave a Reply