BARMM HEALTH MINISTER NANAWAGAN NG MALINIS NA TUBIG AT HALAL NUTRITION SA WORLD HEALTH CONGRESS

Nanawagan si Bangsamoro Health Minister Dr. Kadil M. Sinolinding, Jr. ng mas malawak na access sa malinis na tubig at pagpapaigting ng halal-based na nutrisyon sa kanyang pagdalo bilang keynote speaker sa World Health Congress sa Maynila.

Ibinahagi niya ang mga positibong pagbabago sa kalusugan sa BARMM mula 2015 hanggang sa kasalukuyan, habang binigyang-diin ang mga hamon tulad ng kakulangan sa ligtas na inuming tubig na nagdudulot ng sakit gaya ng diarrhea.

Tinalakay rin niya ang mga sanhi ng malnutrisyon at iginiit na ang halal food ay mahalagang bahagi ng isang malusog na pamumuhay, alinsunod sa Islamic teachings at public health principles.

Pinagtibay ng Health Minister ang patuloy na adhikain ng MOH-BARMM na tiyaking walang Bangsamoro ang mapag-iiwanan sa serbisyong pangkalusugan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

“

Our Visitor

026286
Views Today : 35
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 1368
Views Last 30 days : 4116
Views This Month : 3919
Views This Year : 26498
Total views : 38633