Matagumpay na naisagawa sa Municipal Hall ng Datu Anggal Midtimbang ang Validation and Recognition ng Datu Anggal Midtimbang Political Committee, sa pangunguna ni LMP–Maguindanao del Sur President Mayor Nathaniel Midtimbang.
Dinaluhan ito ng MILF, KPC Kutawato Provincial Committee, at mga kasapi ng lokal na political committee. Layunin ng aktibidad na palakasin ang organisasyon, isulong ang pagkakaisa, at patatagin ang pamumunong nakatuon sa inclusive at transparent governance.
Ayon kay Mayor Midtimbang, ang pagkilalang ito ay hakbang tungo sa mas matibay na kooperasyon at mas maayos na direksyon ng pamamahala para sa komunidad.







Views Today : 33
Views Yesterday : 135
Views Last 7 days : 1423
Views Last 30 days : 4147
Views This Month : 3870
Views This Year : 26449
Total views : 38584
Leave a Reply