1,550 boat engines ang ipinagkaloob ng MAFAR-BARMM sa mga mangingisda sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur noong Disyembre 18, 2025 sa Polloc Port, Parang.
Layunin ng programa na tulungan ang mga coastal communities na mapalakas ang kanilang kabuhayan, mapabuti ang operasyon ng pangingisda, at masigurong may sapat na kagamitan ang mga mangingisda para sa mas produktibong pang-araw-araw na hanapbuhay.
Tumanggap ng boat engines ang mga bayan sa Mag. Norte at Mag. Sur, kasama ang Upi, Buluan, South Upi, Parang, DOS, Datu Montawal, Pagalungan, Mangudadatu, at marami pang iba.
Ayon sa MAFAR, ito ay bahagi ng commitment ng Bangsamoro Government na patuloy na suportahan ang mga mangingisda, paunlarin ang kabuhayan, at palakasin ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa BARMM.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply