Ligtas na nakauwi sa lungsod ang 783 Returning Filipinos from Sabah noong Disyembre 20, 2025 sakay ng M/V Antonia 1. Agad silang tinulungan ng MSSD Zamboanga Satellite Office, lalo na ang mga bata, kababaihan, at may medikal na pangangailangan.
Sumailalim ang mga ReFS sa profiling at documentation mula sa Bureau of Immigration bago dinala sa PCDP IX sa Barangay Talon-Talon, kung saan pansamantala silang mananatili habang inaayos ang kanilang pag-uwi sa probinsya.
Nagbigay ang MSSD ng libreng pagkain, transportasyon, at iba pang suporta upang matiyak ang maayos at ligtas nilang pagbabalik. Ang operasyon ay bahagi ng HATID Program, na tumutulong sa mga stranded individuals, returning Filipinos, at iba pang nangangailangan ng humanitarian assistance.








Views Today : 28
Views Yesterday : 135
Views Last 7 days : 1418
Views Last 30 days : 4142
Views This Month : 3865
Views This Year : 26444
Total views : 38579
Leave a Reply