Kinondena ng Bangsamoro Government ang pamamaril sa Bondi Beach, Australia at nanawagang huwag iugnay ang insidente sa Mindanao o sa BARMM. Ayon sa mga awtoridad, walang ebidensya na nagpatunay na nagsanay ng militar o ekstremismo sa Pilipinas ang mga suspek. Lumabas pa na ang kanilang pagbisita ay rekreasyonal lamang.
Wala ring naitalang sightings o anumang aktibidad na may kaugnayan sa terorismo habang sila ay nasa bansa. Binigyang-diin ng Bangsamoro Government na sa mga nagdaang taon ay walang naitalang violent extremism sa BARMM, tanda ng patuloy na kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.
Nagpaabot ng pakikiramay ang pamahalaang Bangsamoro sa mga biktima at nanawagan ng responsable at fact-based na pag-uulat upang hindi masira ang kapayapaan at pagkakaisa sa Mindanao.







Views Today : 114
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3604
Views This Month : 2230
Views This Year : 18092
Total views : 30227
Leave a Reply