MMas pinaigting ng national government ang panawagan sa BTA Parliament na ipasa na ang redistricting law, na siyang susi sa pagtatakda ng petsa ng Bangsamoro parliamentary elections.
Ayon sa panayam, may mga indikasyong may presyur na sa loob ng Parliament, habang may ilang sektor namang pinaghihinalaang humaharang sa pagpasa ng panukala. Target na maaprubahan ang batas sa special session sa Enero 12.
Kapag naisabatas, magsisimula ang 120-day period na pagbabatayan ng Senado at Kongreso para itakda ang araw ng halalan. Gayunman, may mga isyung legal sa kasalukuyang bersyon ng bill na maaaring mauwi sa panibagong hamon sa Korte Suprema.
Sa kabila ng mga ito, nananatiling mahalaga ang agarang pagpasa ng redistricting law upang matuloy ang eleksyon at mapanatili ang political stability sa Bangsamoro..







Views Today : 2
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 663
Views Last 30 days : 3621
Views This Month : 2247
Views This Year : 18109
Total views : 30244
Leave a Reply