Sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na bagamat malabo nang maisagawa ang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Marso 30, nananatiling tiyak na gaganapin ang halalan sa loob ng 2026.
Ayon sa kanya, ipaaabot ng COMELEC sa Kongreso ang mga hamon sa kasalukuyang iskedyul, lalo na kung may iba pang panukalang batas bukod sa redistricting na babaguhin ng Bangsamoro Parliament. Ang mga ganitong pagbabago ay maaaring makaapekto sa paghahanda at timeline ng eleksyon.
Gayunpaman, binigyang-diin ni Garcia na malinaw ang paninindigan ng COMELEC: hindi papayagan ang pagpapaliban ng halalan hanggang 2027 o 2028.







Views Today : 21
Views Yesterday : 99
Views Last 7 days : 1585
Views Last 30 days : 4006
Views This Month : 3532
Views This Year : 26111
Total views : 38246
Leave a Reply