Bilang bahagi sa pagpapalakas ng Agri-fishery marketing efforts ng mga Lokal na pamahalaan, ipinagpatuloy ang pagsasagawa ng Hand-in-Hand Provincial Roundtable Discussions o PRD's sa mga lalawigan ng Maguindanao del norte at Maguindanao del sur.
una ng ginanap ang talakayan noong Enero 19,2026 sa Mango Grove sa The south, bayan ng Datu Anggal Midtimbang na nasundan noong Enero 20,2926 sa Haraya Hall, Al-nor Hotel and Convention Center sa lungsod ng Cotabato City.
Ang talakayan ay dinaluhan ng mga kinatawan ng Pamahalaan panlalawigan katuwang ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR), Food and Agriculture Organization of the United Nation (FAO) at ni BTA Deputy Floor Leader MP Atty Suharto Ambolodto MNSA na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga nasabing probinsya.
Pinasalamatan ni MP Ambolodto si Department of Agriculture Secretary Francisco 'kiko' Tiu Laurel Jr. sa pagbibigay-daan sa Bangsamoro Government na aktibong lumahok at mapakinabangan ang mga pagkakataon sa National Investment Forum.
ipinakita ng mga kalahok na LGU ang kanilang mga umiiral at prospective na agricultural at fisheries commodities na kung saan ang pinagsama-samang listahan ng mga priority commodities ay higit pang susuriin ng MAFAR, upang ifinalize at makabuo ng kinakailangang data para sa nalalapit na Regional Investment Workshop.
Ang PRD ay nagsisilbing isang consultative mechanism para sa pangangalap ng rekomendasyon mula sa mga stakeholder sa mga priority investment na tinukoy ng MAFAR.
Isinusulong ang Hand-and-Hand Initiative bilang plataporma para sa pagpapakita ng mga oportunidad sa pamumuhunan sa agrikutura sa buong rehiyon ng BARMM at buong bansa.

Views Today : 73
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 651
Views Last 30 days : 3600
Views This Month : 2318
Views This Year : 18180
Total views : 30315
Leave a Reply