𝐆𝐞𝐧𝐝𝐞𝐫-𝐑𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞, 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐝𝐝𝐞𝐫𝐢𝐳𝐞𝐝 𝐆𝐀𝐃 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐂𝐁𝐂𝐒 𝐁𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐣𝐞𝐜𝐭

Upang mas mapalakas ang gender responsive government, isinagawa ang Ladderized Training on Gender and Development (GAD) para sa mga Local Government Units (LGUs) ng Special Geographic Area (SGA) at dalawang munisipyo ng Maguindanao del Sur kabilang ang Pagalungan at Datu Montawal bilang bahagi ng pagpapatibay ng kakayahan ng mga lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng gender-responsive governance sa Bangsamoro.

Ang pagsasanay ay inorganisa ng Consortium of Bangsamoro Civil Society (CBCS) sa ilalim ng BABAE Project Outcome 3, na pinopondohan ng Embassy of Japan at United Nations Population Fund (UNFPA), sa pakikipagtulungan ng Ministry of Interior and Local Government–BARMM (MILG-BARMM), kasama ang mga project partners na Nonviolent Peaceforce, Plan International Pilipinas, at Integrated Mindanao Association for Natives (IMAN).

Layunin ng ladderized training na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga LGUs sa sistematikong pagsasama ng Gender and Development (GAD) sa kanilang mga programa, polisiya, at badyet.

Tinalakay sa pagsasanay ang mga pangunahing paksa tulad ng, Gender and Development Framework, Gender Mainstreaming, Gender Analysis, Gender Tools, GAD Strategic Planning at GAD Planning and Budgeting
Sa pamamagitan ng mga paksang ito, natulungan ang mga kalahok na mas maunawaan kung paano magdisenyo ng mga proyektong tumutugon sa pangangailangan ng kababaihan, kalalakihan, at iba’t ibang sektor sa kanilang mga komunidad.

Ang ladderized na pamamaraan ng pagsasanay ay nakatuon sa tuloy-tuloy at hakbang-hakbang na paglinang ng kakayahan ng mga lokal na pamahalaan upang mas maging handa sila sa pagsasabuhay ng gender-responsive governance sa kani-kanilang lugar

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020794
Views Today : 104
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 682
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2349
Views This Year : 18211
Total views : 30346